Advertisers

Advertisers

Rayantha pumirma ng kontrata sa SMAC

0 325

Advertisers

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng talented na bagets na si Rayantha Leigh.

Kamakailan ay pumirma siya ng three-year contract sa SMAC. Present sa event ang Mommy niyang si Ms. Lanie Lei at si Enrico B. Jamora, senior supervisor head ng SMAC Television Production.

Thankful si Rayantha sa pagkakataong ibinibigay sa kanya ng SMAC para mas lalo pang maipakita ang kanyang talento sa mundo ng showbiz.



Sambit niya, “Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng bumubuo ng SMAC TV Production sa pagtitiwala po nila sa akin, and of course po sa super supportive parents and friends ko po.”

Incidentally, nag-resume na ng taping ang bubbly teener para sa kanyang show sa GMA-News TV titled Rayantha Leigh, My Life, My Music.

Bago nagkaroon ng lockdown ay nakapag-taping na sila ng dalawang episodes. Ngayon ay nakadalawa ulit sila, kaya apat na ang nakareserba nilang episodes.

Dahil may Covid19, nag-enjoy pa rin ba siya o mas kinabahan sa kanilang taping?

Esplika ni Rayantha, “Nag-enjoy pa rin po, basta po mag-iingat lang po and maintain yung safe distance… Naka-face mask naman po kaming lahat sa set and naka-face shield naman po ako and iyong guest namin.”



Pahabol pa niya, “Enjoy pa rin po naman kami sa taping and lively pa rin po ang interaction sa show.”

Sino yung mga guest niya sa apat na episodes na ito at may date na ba kung kailan ang initial airing nito?

Nakangiting sagot ni Rayantha, “Secret po muna para surprise sa viewers ang guests, pero mga Kapuso artists po sila. Bale, ang show ko po ay chikahan and kulitan with their idols and of course, about OPM po siya. Wala pa pong date for airing ang show ko.”

Pero kapag umere na ang show, ano kaya ang mapi-feel niya?

“Of course po, excited dahil pinaghirapan po namin iyon, and kahit po may Covid ay nagawan po namin ng paraan at napa-air po namin ang show,” pakli pa ni Rayantha. – (Nonie V. Nicasio)