Advertisers
Itinutulak ni Iloilo Rep. Janette Garin na mabigyan din ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ang mga asymptomatic at mild symptomatic COVID-19 cases.
Ayon sa kongresista, dapat ding makatanggap ng SAP ang asymptomatic at mild cases upang may maipangtustos sa pamilya habang nasa isolation.
Aniya, apektado ang kabuhayan o pagtatrabaho ng mga ito dahil kailangan nilang sumailalim sa quarantine.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, ay magkakaroon pa rin ng P5,000 hanggang P8,000 na cash assistance sa mga informal sector families na maaapektuhan ng Enhance Community Quarantine (ECQ).
Paglalaanan din ng P12 billion ang DSWD para mga programa nito tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, emergency subsidy para sa mga lugar na isasailalim sa hard lockdown, sustainable livelihood program para informal sector na hindi matutulungan ng DOLE kasama na ang para sa distribution ng food and non-food items. (Henry Padilla)