Advertisers
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang alkade ng Ilagan City, Isabela, pati ang kanyang asawa at anak anak na konsehal.
Iniulat na COVID-positive si Mayor Josemarie Diaz, ang asawa nitong si Evelyn, at anak niyang konsehal na si Jay Everson.
Naka-quarantine na umano ang tatlo sa kanilang tahanan at maayos na ang kondisyon ng alkalde.
Samantala, ipinag-utos ng alkalde na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.
Batay sa Executive Order No. 54 na nilagdaan ni Mayor Diaz, iiral ang ECQ hanggang August 12. Dahil ito sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni Mayor Diaz, mula sa kanyang mga kapamilya, kasambahay at mga nakasalamuha nito sa City Hall ng Ilagan.