Advertisers
Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang ruta ng mga Public Utility Vehicles, lalo na ang Public Utulity Jeepneys (PUJs) sa oras na ibalik muli sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ito ang pangako ni LTFRB chairman Martin Delgra III sa hybrid meeting ng House Committee on Metro Manila Development.
Sinabi ng chairman ng komite na si Manila Representatve Manuel Luis Lopez, kailangan tiyakin na pagbalik ng GCQ sa kamaynilaan ay “good running” na ang mass public transportation.
Nauna nang iminungkahi ng komite na itaas sa 30% ang karagdagang 10% kada Linggo ang papayagang muling makapag-operate na mga pampublikong sasakyan para hindi na umano mahirapan ang mga commuters sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho.
Sinang-ayunan ni Delgra ang inilatag na mungkahi ng komite at magsusumite sila ng Comprehensive PUVs route rationalization plan sa Agosto 14.
Nangako rin si Delgra na magbubukas sila ng isang batch ng ruta kada Linggo at ito ang kanilang isusumite sa komite sa susunod na Linggo. (Josephine Patricio)