Advertisers

Advertisers

Kalsada sa Cotabato gumuho

0 259

Advertisers

GUMUHO ang malaking bahagi ng kalsada sa Sitio Upper Bao, Barangay Upper Bao, Alamada, North Cotabato.
Sa report, dulot ito ng malakas na buhos ng ulan dulot ng sama ng panahon na tumama sa Mindanao.
Kinumpirma ito ni Alamada Mayor Jesus “Susing” Sacdalan, kungsaan apektado ang biyahe ng mga sasakyan na may mga kargang produkto mula sa kanilang sakahan na ibibinta sa lungsod.
Gumuho rin ang bahagi ng Sitio Tinago, Sitio Busay, Sitio Tumindok at Sitio Mahayahay na mga sakop ng Brgy. Paruayan sa bayan ng Alamada.
Apektado rin ng baha ang Sitio Campo Uno sa Brgy. Paruayan, Sitio Manglicmot at Sitio Dry Creek sa Brgy. Camansi, Purok 1 at Purok 2 sa Brgy. Mirasol, Purok 3, 4, 6 at PNP Village sa Brgy Kitacubong na pawang sakop ng bayan ng Alamada.
Mabilis namang kumilos ang LGU-Alamada. Agad binigyan ng ayuda ang mga residente na apektado ng baha at landslide.(PTF team)