Advertisers

Advertisers

Hidilyn Diaz laktaw muna sa online meet

0 270

Advertisers

HINDI muna lalahok si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa online tournament nga­yong buwan matapos sumabak nakaraang Linggo sa online event na nagbigay sa kanya ng unang panalo sa e-tournament.
Nagkampeon si Diaz sa 59Kg division ng Eleiko Email International Lifters Tournament na ginanap noong July 24 at 25.
Gayunpaman, ­sinabi ng 29-anyos Diaz kaya siya umatras dahil sa kakulangan sa preparasyon na tatagal ng two to three months para maka-pag­handa sa kahit anong tournament- kahit na online meet.
“Yes may laro sana this month, kaka-message lang kahapon sakin ni Sir Monico,” sambit ni Diaz, patungkol kay Samahang Weightlif­ting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella.
“Kaso hindi kaka-ya­nin sa preparation,” dagdag ni Diaz, na nasa training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nabuhat ni Diaz ang 216Kgs. matapos buhatin ang 95Kgs. sa snatch at 121 kgs sa clean and jerck.
Naungusan niya si Fatima Yakubu ng Australia, na nakabuhat ng 183kgs, at South Africa’s Johanni Talijaard, na nagtapos ng 188kgs. sa division na nilahukan ng 47 iba’t-ibang weightlifters.
Dahil sa pandemic ay nakansela ang halos lahat ng events ng international weightlifting, kabilang ang Asian Championship kung saan si Diaz ay nakatakdang lumahok para sa kanyang final Olympic Qualifying Tournament.
Si Diaz ay kasalu-kuyang nasa No. 5 sa 55kg women’s cate-gory sa world ranking na may 3,717.0982 points sa likuran ng apat na Chinese weightlifters ni Jiang Huihua 4,667.8878, Liao Quiuyun 4,667,8878, Zhang Wangqiong 4,212,6639 at Li Yajun 4,099,0223.
Para ma-qualify sa Tokyo Olympics, na naurong sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic, kailangan ni Diaz na lahukan ang kanyang ika-anim at huling OQT para makuha ang kanyang ikalawang sunod na Olympic stint.