Advertisers
PATAY sa pamamaril ang isang drug asset ng pulis sa General Santos City.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Dalos, 32-anyos.
Sa ulat, nangyari ang pananambang ng nakamotorsiklong mga salarin pagdaan ng motorsiklo ni Dalos sa may tapat ng simbahan sa Barangay Bula, General Santos City.
Ayon sa report, binantaan pa umano ng mga salarin ang mga nakasaksi sa krimen bago tumakas ang mga ito.
Hinala ng mga pulis, may kinalaman sa trabaho ni Dalos ang motibo sa pamamaril.(PTF team)