Advertisers
BUMULAGTA sa harap ng kanilang bakuran ang isang barangay kapitan nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Tanza, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Emelito Mercado, 54, kapitan ng Brgy. Amaya 1 Tanza.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin na magkaangkas sa isang kulay itim na Yamaha Nmax.
Sa ulat, 4:00 ng hapon nang naganap ang insidente kungsaan nasa harapan ng kanilang bahay ang opisyal nang pagbabarilin.
Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpatay.
Bago ang pagpatay sa biktima, nagsampa ng kasong ‘threat’ at ‘unjust vexation’ ang biktima sa kanyang mga tauhan habang ilan sa kanila ay sinipa nito sa trabaho.
Ayon kay Lt Col. Freddie Dantes, hepe ng Tanza Municipal Police Station, may suspek na sila at kasalukuyang tinutugis ito.
Hawak narin nila ang CCTV at pinag-aaralan ang footages nito. (Irine Gascon)