Advertisers
ANIBERSARYO pala ngayon ng paborito ninyong national daily tabloid, ang Police Files TONITE. 17-anyos na! Yahooo!!!
Honestly, nakalimutan kong birthday ngayon ng Police Files TONITE. Kung hindi pa nag-flash sa newsfeed ko ang larawan ng nakaraang anibersaryo, hindi ko naalala. Eh kasi nga abalang-abala tayo sa pag-monitor sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID ‘19) at pandemya ng ko-rapsyon sa PhilHealth.
Kita nyo naman, mga suki, wala tayong kahit greetings o anniversary ads ngayon unlike ng mga nakaraang anibersaryo na namumutiktik ng mga bayad na pagbati ang bawat pahina ng tabloid na ito. Nakaka-16 hanggang 23 pages ng ads tayo noon. Now? no more…
Kasi… hindi rin tayo nag-solicit sa ating mga kaibigan. Dahil naiintindihan natin ang hirap ng buhay ngayong under quarantine ang Pilipinas mula pa Marso 17, kungsaan sarado ang maraming business establishments, walang kita ang mga tumutulong sa ating pahayagan tuwing kaarawan nito.
Ito ang pinakamalungkot na anibersaryo ng Police Files TONITE. Opo!
Pero bibilib ka parin sa Police Files TONITE, after almost 3 months ng total lockdown (Enhanced Community Quarantine) mula Marso 17, kungsaan hindi nakapaglabas ang mga publication dahil walang transportasyon, walang masakyan ang mga trabahador, walang delivery supplies at walang news dealers na kumukuha, nakasabay tayo sa pagbalik ng malalaking publication companies nung Hunyo 1.
At sa pagbalik-Modified ECQ nitong Agosto 4, hindi na huminto sa paglabas ang Police Files TONITE, unlike other publications. Dito mo makikita ang tibay ng buhay ng Police Files TONITE.
Ito’y dahil narin sa inyo, our dear readers at sa supportive news dealers. Thank you… 17 YEARS NA PO KAMI!
Keep safe… lusawin natin ang COVID-19. Virus lang ‘yan, Pinoy tayo!!! Hehehe…
Oo nga pala, friends… wala kaming handa ngayon. Sori! Bawal kasi ang social gatherings, baka masingitan tayo ng covid positive eh. Sa sunod nalang po… Sugpuin muna natin itong China veerus… God bless sa ating lahat. Mabuhay!!!
***
HINDI dapat ipinagtatanggol ni Pangulong Rody Duterte ang kanyang appointees na nasasangkot sa mga katiwalian. Nasisilipan lang siya ng butas ng kanyang mga kritiko.
Sa halip, dapat ay kaagad niyang sinisibak ang mga opisyal na nangungulimbat sa kaban ng bayan.
Dapat panindigan niya ang kanyang promises sa publiko, sa higit 16 milyong Pinoy na naglagay sa kanya sa Malakanyang. Na makarinig lang siya ng kahit alingas-ngas ng korapsyon sa sinumang miembro ng kanyang gabinete ay kaagad niya itong sisipain, pakakasuhan at ipakukulong.
Oo! Hindi niya dapat ipagtanggol itong sina Ricardo Morales ng PhilHealth at Francisco Duque ng DoH na ma-syado nang negative ang mga pangalan dahil sa mga korapsyon sa ahensiyang kanilang pinamumunuan.
Sina dating Tourism Secretary Wanda Teo at actor Cezar Montano, ex-Customs at BuCor Director Nicanor Faeldon, ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pawang nasangkot sa katiwalian ay prinoteksiyunan din ni Pangulong Duterte.
Ito ang dahilan para manlamig na kay Pangulong Duterte ang mga naghalal sa kanya. Buti nalang at uso ang trolls ngayon, may mga lumalaban para sa kanya. Mismo!