Advertisers

Advertisers

Utol ng ‘shabu queen’ tiklo

0 279

Advertisers

ARESTADO ang kapatid ng tinaguriang “shabu queen” sa isinagawang operasyon sa bayan ng Canaman, Camarines Sur.
Kinilala ang nadakip na si Virgilio Natividad ng Barangay San Agustin, Canaman.
Ayon kay P/Capt. Bienvinido Encisco, hepe ng Canaman Police, nadakip ang suspek sa bisa ng search warrant at nasamsam rito ang 11 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000 at drug paraphernalia.
Sa report, napag-alaman na dati nang sumuko si Natividad at nang makalaya ay muling bumalik sa iligal na gawain.
Kapatid si Virgilio ni Loida Natividad, 60, tinaguriang “shabu queen” ng Zone 7, Victoria Heights Subd. Brgy. San Agustin, Canaman.
Nahuli si Loida nitong Mayo sa kanyang bahay at nakuha mula sa kanya ang 27 sachet ng shabu na nasa P850,000 ang halaga.(PTF team)