Advertisers
ARESTADO ang isang pulis ng kanyang mga kabaro makaraang ‘kumagat’ sa drug buy-bust operation sa Cagayan de Oro City.
Kinilala ang inaresto na si MSgt. Mariejo Molina Tejada, residente ng Zone 3 Taboc, Opol, Misamis Oriental.
Sa report ng CDO City Mobile Force Company, nahuli si Tejada nitong Miyerkules sa nasabing lungsod.
Ayon kay Lt. Col. Alexy Sonido, commander CMFC-COCPO, nakatanggap sila ng report hinggil sa pagiging protektor at pagtutulak ng droga ni MSgt.Tejada.
Sa ginawang operasyon, nakuha mula kay MSgt.Tejada ang ilang gramo ng shabu.
Sinabi naman ni MSgt. Tejada na hindi sa kanya ang droga at planted ang ginawang operasyon.
Nakatakda siyang sampahan ng patung-patong na kaso.(PTF team)