Advertisers
PAGING BARANGAY TUMANA, LUNGSOD NG MARIKINA: NAGLIPANANG MGA PASAWAY SA MGA KALYE MULA TALIPAPA, WALANG SOCIAL DISTANCING, MGA NAKA-DOUBLE PARKING NA MGA SASAKYAN. WALANG NANGHUHULI. MGA WALANG FACE MASK. MAY FACE MASK NGA SA BABA NAMAN NAKALAGAY. MAY OUT POST NAMAN NG PULIS SA BLK 68 TUMANA, WALA NAMANG AKSYON. MAY INUMAN PA SA MGA GILID NG MGA BAHAY, NAKA DISPLAY SA MGA DUMARAAN. TAMA BA ITONG PANUNTUNAN NG GANITO NG BARANGAY TUMANA LUNGSOD NG MARIKINA? – SNIPER
Bahay shabuhan sa pagitan ng Brgy. 66 at 67 sa Tondo, Manila
Report ko d2 sa Pacheco-Madrid (looban) sakop ng BRGY 66 o BRGY 67, Tondo, Manila, yung isang bahay dito ginagawang shabuhan ng nagngangalang “Ferdie”. Ang nagbibigay sa kanila ng shabu ay yung bakla na mukhang kabayo, isang scammer o manlolokong tao. Natatakot na kaming mga residente d2 dahil kung sino sinong iba’t ibang mukha ang pumapasok. Baka magdala pa ng covid dito ang mga adik na ito. Sana maaksiyunan agad ito ng mga pulis ng Station 1 (MPD) – Concerned citizen
Allowance ng mga titser sa Manila 4 months delayed na
Bakit kaya nabibinbin ang apat na buwang allowance ng mga teacher sa Manila City hall.?
Ayon sa ilang empleyado ng Division office ng Manila noong July 27, sa Cityhall tumatagal ang payroll ng Teachers Allowance. Sana maaksiyunan ni Yorme. – Titser ng Manila