Advertisers

Advertisers

Mga ‘drawing’ na pangako ni Digong

0 408

Advertisers

NOONG nangangampanya palang ang isang noo’y Davao City Mayor Rody Duterte napakarami niyang ipinangako sa mamamayan. Kaya naman “naduterte” niya ang mahigit 16 milyong Pinoy.

Ang pinagkabiliban natin sa kanya noon ay ang sinabi niyang kapag nahalal siyang pangulo ng Pilipinas ay wawakasan niya ang problema sa droga sa loob ng “3 to 6 months”.

Nangako rin siya na kapag naupo na siyang pangulo, magdye-jetski siya sa Spratly islands at itatayo nya doon ang bandera ng Pilipinas.



At wawakasan daw niya ang korapsyon sa gobyerno sa loob ng “3 to 6 months”.

Ang mga salita niyang ito ang hinahanap natin para sa isang lider ng bansa na pugad ng mga mandarambong. Na talagang pinaniwalaan ng marami na kanyang gagawin dahil nga sa kanyang astig na karakter at mahusay na performance ng kanyang pamumuno sa local government unit (LGU) ng Davao City.

Kaya naka-bingo si Duterte that 2016. Pinili siya ng hi-git 16 milyon Pinoy laban kina ex-Senator Mar Roxas, Sen. Grace Poe, late Sen. Miriam Santiago at ex-Vice Pres. Jojo Binay.

Pero nang mahalal si Duterte, sa unang taon palang ng kanyang termino ay kinakitaan agad ng mga mandarambong sa kanyang mga apppointee. Remember “Mr. Wigman” Vitaliano Aguirre sa Department of Justice? Yung kinikilan ng P50 million ng mga abogado niya sa Immigration ang isang banyagang casino operator? I-Google nyo nalang ang entire story sa kasong ito.

Tapos nagkasunud-sunod na ang mga isyu ng korap-syon laban sa presidential appointees gaya nina Nicanor Faeldon sa Customs at BuCor, Wanda Tulfo-Teo at Cesar Montana sa Tourism, sa NIA, sa Agriculture, saan pa ba? May nangyari ba sa kaso o isyu laban sa kanila? Waley!!!



Tapos ngayon itong P15 billion anomaly sa PhilHealth. Tinalo pa nito ang P10-billion pork barrel fund scam ni Janet Lim-Napoles.

Ang PhilHealth ay hanggang 2021 nalang daw ang buhay. Wala na ito sa 2022! Nabangkarote ng mga taong inilagay ni Digong.

Sabi noon ni Pangulong Duterte, galit na galit siya sa korapsyon. “My God I hate corruptions! Putang ina!!!”, sigaw niya sa kanyang speech. Makaamoy lang daw siya ng korapsyon ay kaagad niyang sisibakin, kakasuhan, ipa-kukulong! Sarap pakinggan noh?

Pero ano itong grabeng pagtatanggol ni Digong sa presidente ng PhilHealth na si retired Army General Ricardo Morales? Na sa kabila ng malinaw na mga akusasyon ng whistle blowers, kungsaan maging mga senador at kongresista ay kumbinsido sa mga detalye, ay inanunsyo parin niyang hindi niya aalisin sa PhilHealth si Morales.

Ganitong ganito rin ang mga naging pagtatanggol ni Duterte noon kina Aguirre, Faeldon, Teo at Montano, at iba pang appointees niyang inakasuhan ng pangungulimbat sa kaban ng bayan.

Pati nga si Health Secretary Francisco Duque na tadtad ng mga negatibong isyu at pinagbibitiw na ng mga senador at grupo ng mga duktor ay todo paring pagtatanggol rito ang ginagawa ni Digong. “He has my trust,” sabi niya para kay Duque.

Kaya masasabi natin na ang mga ipinagsisigawan noon ni Duterte sa kanyang kampanya at maging pag-upo ay mga drawing lang. Karakter ito ng isang trapo. Mismo!

Kapit nalang, mga pare’t mare, sa last two years ni PDu30.