Advertisers

Advertisers

Kapag Puno na ang Salop

0 289

Advertisers

Halos dalawang dekada na nating kilala si Grandmaster Jayson Gonzales. International master pa lang si Jayson noong una nating mai-cover ang kanyang laro sa national championship na ginanap sa Tagaytay.

Sa nasabing torneo siya nag-qualify sa Chess Olympiad at iyon ang nagsilbing mitsa sa pag-angat ng kanyang career. Naging top scorer siya ng Pilipinas sa Olympiad at hindi nagtagal ay naging full-pledged grandmaster.

Edukado at may integridad. Iyan agad ang magiging impresyon mo kay GM Jayson. Kaya naman nakakalungkot nang aking malaman na may mga kapwa siya chess players na lantarang sinisira ang kaniyang pangalan at pagkatao sa chess community.



Mas nakakalungkot nang aking malaman na ang isa sa mga naninira sa kanya ay dati niyang natulungan.

Maraming nagawang mabuti sa Philippine chess si GM Jayson. Halos napabayaan na nga niya ang kanyang playing career dahil sa pagtulong sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pag-implementa ng kanilang programa.

Hindi na natin babanggitin dito ang mga paninira na ipinupukol nila kay GM Jayson dahil masasayang lang ang ating espasyo sa mga walang kuwentang bagay. Nakakasiguro tayo na pawang walang katotohanan ang mga ito.

Nagsampa na ng reklamo sa Prosecutor’s Office ng Quezon City si GM Jayson at umaasa tayo na at the very least ay titigil na ang mga naninira sa kanya.

Sabi nga ni FPJ, kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">