Advertisers

Advertisers

Higit P2.5m shabu huli sa Makati

0 291

Advertisers

NASA mahigit P2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa inaresto nilang drug suspect sa buy-bust operation sa Makati City.
Kinilala ang nadaki na si John Edward Sayson, 25, nakatira sa #2617 Rocketfeller, Barangay San Isidro ng nabanggit na siyudad.
Sa ulat, 6:40 ng gabi ng Martes nang madakip ang suspek sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District (SPD), Makati City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mismo sa bahay nito.
Nakumpiska mula kay Sayson ang 375.38 gramo ng shabu na may street value P2,552,584 milyon. (Gaynor Bonilla)