Advertisers
INARESTO ng mga elemento ng Manila Police District -Police Station 9, ang isang Food Panda at Grab rider sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa ng hapon sa may Singalong, Malate, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ruff Anthony Ricana, 22 Food Panda driver, at taga 1117 C Zapanta St., Singalong, Malate, Maynila; at Hector Armada Je., 24, grab driver at taga 2225 Singalong St., Brgy. 724 Malate, Maynila.
Sa ulat. nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis laban sa isang alyas Novel at mga kasabwat nito 4:45 ng hapon sa may Esguerra St., Singalong Malate na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang food delivery driver.
Sa halip na pagkain, marijuana ang idineliver ng dalawa sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakumpiska sa mga naaresto ang 3 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec.4 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Andi Garcia)