Advertisers

Advertisers

Direk Laurice Guillen at Nick Lizaso, pasok sa MMFF

0 355

Advertisers

PAGKATAPOS na ianunsyo noon ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Film Festival Chairman na si Danilo Lim na tinanggal na nila si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino bilang miyembro ng execom ng nasabing taunang film festival, nagpahayag naman sila ng dalawang karagdagan sa committee nito.

Ito ay award-winning actor at director na si Laurice Guillen at ang beteranong actor, director at producer na si Arsenio “Nick” Lizaso.

Si Guillen ay kasalukuyang Presidente ng Cinemalaya Foundation, Inc. samantalang si Lizaso ay Presidente ng Cultural Center of the Philippines at Chair ng National Commission on Culture and the Arts.



Ayon pa kay Lim, malaki ang tiwala niya na malaki ang maiaambag nina Guillen at Lizaso sa pagsulong ng Metro Manila Film Festival na nasa ika-46 edisyon na ngayong taon. (Archie Liao)