Advertisers
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas na ang 13 Pinoy seafarers na kasamang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Capital City ng Beirut, Lebanon kamakalawa ng madaling-araw.
Kahapon ng umaga ay binisita na rin ng Philippine Embassy in Beirut Charge d’affaired Ajeet Panemanglor ang 8 sa Pinoy seafarers sa kanilang tinutuluyan.
Ayon pa sa DFA, ang 5 namang iba pang seaman ay nasa ospital para sa panibagong check-up nang bumisita ang Philippine Embassy Officials.
Ang naturang Pinoy crew members ay unang naiulat na nawawala matapos umanong tumalon sa barko nang maganap ang pagsabog Port of Beirut.
Nabatid na bahagyang napinsala ang cruise ship Orient Queen sa naturang insidente ng pagsabog kung saan nagtatrabaho ang mga ito. (Josephine Patricio/Lordeth Bonilla)