Advertisers

Advertisers

Vice Ganda humiling ng mataas na sweldo para sa frontliners

0 306

Advertisers

ISA si Vice Ganda sa mga naglabas ng suporta sa lahat ng frontliners na nakaharap sa mga apektado ng Covid-19 pandemic.

Dahil open book naman kung paano suungin ng mga frontliners ang panganib.

Lalo na raw na may panibagong lockdown na ipinatutupad ngayon sa NCR.



Kaya sa IG post ng comedian-TV host eh humiling ito ng mataas na kompensasyon para sa frontliners.

Sa kabila ng hirap at pagod ng mga frontliners eh kailangan na umano ng mataas na sahod ng mga ito.

Pinapurihan naman ng netizensang binigay na suporta ni Vice sa mga frontliner.

Samantala, kahit naman si Kris Aquino eh saludo rin sa mga frontliners.

***



Iya Villania tinaguriang Super Woman sa panganganak

BUMILIB ang netizens sa TV host ng “Mars Pa More” na si Iya Villania-Arellano sa kanyang panganganak.

Kung ang iba nga raw na mga kababaihan na nagbuntis at nanganak eh hirap, ibahin nga raw ang esmi ni Drew Arellano.

Dahil nang ipanganak nito ang bunsong anak eh never na nga raw itong nahirapan.

Kaya naman tinagurian itong Super Woman dahil dalawang ire lang ang ini-effort nito eh nailuwal na ang kanilang bunso ni Drew.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)