Advertisers
Tama ang Pangulong Duterte na magalit sa Philippine College of Physicians led by its President Dr. Mario Panaligan, mestisong blackmail ang ginawa ng mga ito sa pag-ere ng kanilang grievances.
Para silang di mga Pilipino. Nasa gitna tayo ng pandemya at walang sino man ang pedeng umasta at gumamit na katagang “REBOLUSYON” sa gitna ng krisis.
Makatarungan ang kahilingan ng mga doctors, nurses at health workers ngunit mali ang ginawang pamamaraan ng kanilang mga pinuno sa pagsasatinig ng kanilang mga reklamo.
Very unprofessional at may bahid pulitika.
Walang sino mang indibidwal o grupo ang pedeng magdikta sa pangulo o sa pamahalaan lalo na sa ganitong pamamaraan na may bahid ng pananakot at pagbabanta na direktang makakaperwisyo sa ating mga kababayang Pilipino.
Tama lamang ang reaksyon ng pangulo sa ginawang ito ng mga lider at miyembro ng Philippine College of Physicians.
Sa aksyong ipinakita ng mga taga-PCP lalo lamang pinatibay nito ang suporta ng sambayanan sa Pangulong Duterte at sa kanyang administrasyon.
To hell with those bastards na walang ginagawa kundi maninira, pumuna at mamulitika para isulong ang kanilang personal at pampulitikal na interest.
Abang suwestiyon po ng inyong lingkod na isailalim sa isang intensified background check ang pamunuan ng PCP upang mabatid ang kanilang political affiliation at kung saan nila hinugot ang katagang rebolusyon sa pagsasatinig ng kanilang mga grievances.
Again as President Duterte said this is BLACKMAIL! Karamihan sa mga doktor na ito partikular na sa private sector ang kumikita ng limpak-limpak na salapi at di naman nagbabayad ng tamang buwis.
It is an open secret. Ngayon pa lamang sana sila babawi sa bayan at mamamayan pero kapag dakang ipinamalas na nila ang kanilang pagkasakim at pagiging palalo.
Dapat lamang bigyan ng leksyon ang mga ganitong tao na walang malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa.
Isali na natin dito ang mga senador at mga pulitikong nahirati sa pagpuna ngunit wala namang inaambag na solusyon sa problema kundi mamulitika at siraan ang gobyerno para isulong ang kanilang sakim na hangarin.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com