Advertisers

Advertisers

Pakapalan na ng mukha sa PhilHealth

0 278

Advertisers

GRABE na ang kapal ng mukha nitong mga opisyal sa Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corp. kung hindi pa sila magbibitiw matapos akusahan ng grabeng pangungulimbat sa ahensiya ng gobyerno.

Mantakin nyo, mga igan, P15 billion daw ang nadale ng mga animal mula sa pondo ng PhilHealth sa pamamagitan ng iba’t ibang schemes!

Ang PhilHealth ay nabubuhay sa taxpayers money, sa kontribusyon ng 82 milyong miyembro nito. Tapos nina-nakaw lang ng mga opisyales na daan daang libo na ang sueldo kada buwan.



Nabunyag sa Senate investigation na paubos na ang P221 bilyong pondo ng PhilHealth. Hanggang 2021 nalang daw ang available funds nito, sabi ng Acting Sr. VP na si Nerissa Santiago.

This means wala nang PhilHealth sa 2022! Araguyyy…

Tinukoy ng isa sa whistleblowers, Alejandro Cabading, isang certified public accountant at miyembro ng board ng PhilHealth, ang executive committee members na umano’y sangkot sa mga katiwalian na sina Atty. Rodolfo del Rosario, Sr. Vice Pres. ng Legal Sector; Corporate Sec. Jonathan Mangaoang; Dennis Mas, Sr. VP for Management Services Sector; at Sr. VP Renato Limsiaco na siya umanong nagmamanipula ng mga operasyon sa loob ng PhilHealth para harangin ang imbestigasyon sa korapsyon.

Op kors todo tanggi si Atty. del Rosario. Magli-leave daw siya. Kakasuhan aniya ng Libel ang isa pang whistleblower na si Atty. Thorrsson Montes Keith, ang nag-resign na legal officer ng anti-fraud ng Philhealth.

Si Keith ang nagbunyag na “pandemic na ang korap-syon sa Philhealth.”



Inamin naman ni PhilHealth President Ricardo Morales, isang retired military General, ang korapsyon sa ahensiya. Bago raw siya dumating sa PhilHeath ay talamak na ang katiwalian dito. Posible nga raw na madoble ang korap-syon dito kung ‘di siya inilagay rito ni Pangulong Rody Duterte.

Pero base sa mga pagbubunyag ng whistleblowers, kinukonsinte ni Morales ang mga kalokohan ng kanyang mga opisyal.

Imposible naman talagang walang alam si Morales sa daan daang milyon hanggang bilyones na mga lumalabas na pondo sa Philhealth e bilang presidente dumaan sa lamesa niya ang lahat ng malalaking transaksyon!

Sabi ni Atty. Keith, ang nabulsa este nalustay na P15 bilyon ay komokober sa mga ‘di otorisadong paglabas ng IRM o pondo para sa “fortuitous events” tulad ng pandemic, sa mga ospital na hindi pa naman nakakapagtala ng COVID-19 cases, at overpriced IT systems na kailangan bilhin ng ahensiya.

Ang mga nabanggit na opisyal ito, kabilang na si Morales, por delicadeza, kung may natitira pa silang hiya sa mga pagkatao nila, makabubuti na mag-leave o mag-resign na sila para bigyang laya ang imbestigasyon sa katiwaliang ito sa PhilHealth.

Aba’y tinalo pa nito katiwalian sa PDAP (Priority Development Assistance Fund) na napunta sa mga kamay ng nakakulong ngayong si Janet Lim-Napoles.

Ang isa pang hindi maganda rito ay ipinagtanggol (na naman) ni Pangulong Duterte si Morales. Nyeta!

Hangga’t wala raw ebidensiya na magdidiin kay Morales ay mananatili parin ang tiwala niya rito. Tsk tsk tsk…

Nakalimutan na naman ni Digong ang kanyang ipina-ngalandakan noon na “kahit alingasngas” lang ng korap-syon sa kanyang mga opisyal ay agad nyang sisibakin at kakasuhan. Anyare? Joke lang ba ‘yun?