Advertisers
Mahigpit na ipinag-utos ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na gawing mandatory na ang pagsusuot ng face shield kapag sasakay ng pampublikong sasakyan simula sa Agosto 15.
Batay sa memorandum na inilabas ng DOTr, inatasan ang lahat ng hepe ng Transport sector na ipagbigay-alam ang naturang kautusan sa mga commuters.
Nanawagan pa ang DOTr sa publiko na bukod sa pagsusuot ng face shield ay paigtingin pa lalo ang pagsunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at social distancing para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sakop ng naturang kautusan ang lahat ng pampublikong sasakyan kabilang dito ang MRT at LRT.
Magsisimula naman sa Biyernes, Agosto 7 ang pagre-require sa mga pasahero ng barko.
Laman din ito ng memorandum na inilabas ng Maritime Industry Authority (Marina), Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard na ipinag-utos ang ‘No-Face-Shield-No-Ride” policy. (Josephine Patricio/Jonah Mallari)