Advertisers

Advertisers

Morales ‘di sisibakin ni Duterte kung walang ebidensya

Korapsyon sa PhilHealth

0 245

Advertisers

Hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation.
Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian sa insurance corporation.
Ayon kay Roque, bahala na si Morales na magdesisyon lalo nabanggit na ni Pangulong Duterte na hindi tatanggalin ang pinuno ng PhilHealth kung walang patunay sa mga alegasyon.
Pahayag ni Roque, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado gayundin sa hiwalay na imbestigasyon ng Presidential Management Staff (PMS).
Kapag nailabas na umano ang ebidensya, tiyak na aaksyon na rito si Pangulong Duterte. (Vanz Fernandez)