Josh iniwan si Mommy Kris, piniling tumira sa Tarlac kasama si Tito P-Noy; Arci napagkamalang buntis sa laki ng tiyan
Advertisers
PINILI ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh na manirahan ngayon sa Tarlac kasama ang kanyang tiyuhin na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Tsika ni Kris, hiniling daw ni Josh na pansamantalang lumagi sa Tarlac. Pumayag naman umano si P-Noy basta may pahintulot ng Queen of All Media.
Dagdag ni Kris, puwede anyang manatili sa Tarlac si Josh tuwing ikalawang linggo.
Ipinaliwanag din ng TV host-actress na gusto ni Josh sa Tarlac dahil sa pagiging malapit nito sa kanyang Tito P-Noy at sa masasayang alaala nito sa nasabing probinsiya na kasama pa ang namayapang lola nitong si dating Pangulong Cory Aquino.
“Kasi ‘yung ano, ‘di ba may programang nilulunsad ngayon, ‘yung Balik-Probinsiya? Si Kuya (Josh), gusto nang tumira sa probinsiya. Dumiretso siya sa tiyuhin niya. ‘I want to live in Tarlac,’ tinext niya. So, ang safe answer nu’ng tiyuhin, ‘You have to ask your mom’s permission.’
“Eh, siyempre, alangan ba namang ako ‘yung maging kontrabida? So, I said, ‘Sure, Kuya!’ Aba, ang sinagot, ‘You can have lola’s old room and we can share the house… So, as we speak now, tomorrow, titira na siya sa Tarlac, si Kuya!
“Pero ang sinabi ko, one week-one week si Kuya. Kasi, between the two, it’s really Kuya who loves living in the province, specifically, he loves Tarlac, because, happy memories siya doon with his lola.
“And we all know, ‘di ba, na minsan, love-hate ang relationship naming talaga ng only brother ko (Noynoy). Pero, favorite talaga niya si… May soft spot siya for Kuya (Josh)… So, hindi tinanggihan.
“Napagastos tuloy ako, dahil bagong aircon, may TV, heater, naglagay ng mga blinds, mga bagong sofa beds, mga gano’n… Tapos, gumawa siya ng sarili niyang team, may Team Josh! Sabi ko, ‘Okay!’ So, ako naman, ‘Sige, Kuya, go,’” sey ni Kris.
***
SINAGOT ng Kapamilya sexy actress na si Arci Muñoz ang isang netizen na pumuna na mukha raw siyang buntis sa kanyang pinost na piktyur sa social media kamakailan.
Sa kanyang Instagram ay makikitang may kuha si Arci na tila lumilipad na nakalabas ang tiyan.
“You look preggy sa first pic,” komento ng netizen.
Sumagot naman ang sexy actress ng: “Baka nga! Haha.”
Pero agad din namang binawi ng netizen ang kanyang komento dahil sa iba pang larawan na ipinost ni Arci ay maliit na ang tiyan nito.
“issa prank!! hahaha flat nga sa video e,” sabi ng netizen.
***
NETIZENS AT ADVERTISERS, SUPORTADO ANG KAPAMILYA ONLINE LIVE NG ABS-CBN
Labis ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid ng entertainment sa bansa.
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes at nangakong patuloy na maghahandog ang ABS-CBN ng world-class entertainment sa kabila ng mga pinagdaraanan ng network.
“Despite the heartbreak, we promise to continue delivering our content on other platforms and to as many people as possible. From broadcast to livestreaming, this is a new journey and a first for ABS-CBN to make a digital pivot with Kapamilya Online Live, the newest home of our well-loved Kapamilya shows that Filipinos miss. Our bond with our Kapamilya will never be broken,” sabi ni Vidanes.
Nagkaroon ang advertisers ng pagkakataong makausap ang iba’t ibang Kapamilya stars at makita nang live sa “It’s Showtime” sa virtual trade event ng Kapamilya Online Live.
Opisyal ding inanunsyo dito ang mga palabas na mapapanood sa livestream araw-araw at ang mga bagong programang handog nito, gaya ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, at Maricel Soriano.
Ito ang unang orihinal na digital show na ipalalabas nang buo sa Kapamilya Online Live simula Agosto 17.
Bukod sa bagong programa, mapapanood din ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “A Soldier’s Heart,” “Love Thy Woman,” “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Iba ‘Yan” kasama si Angel Locsin, at “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo.
Dumalo rin sa virtual trade event sina Judy Ann, Richard, Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Yassi Pressman, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Vice Ganda. Naghandog din ng performances ang “It’s Showtime” hosts, pati na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Naging mainit naman ang pagtanggap sa official launch noong Agosto 1 sa social media na marami ang pumuri sa hakbang ng ABS-CBN na i-livestream ang mga programa nito online para patuloy na makapaghatid ng saya, ginhawa, at inspirasyon sa mga Pilipino.
“Welcome to the digital world, Kapamilya. Kung pinagkaitan ng franchise, may nagbukas ng bagong way para maipagpatuloy ang saya, pagbabalita, karunungan, at pagtulong sa mga Pilipino. Good job, Kapamilya,” papuri naman ni Baby Aloy Aden.
“Kapamilya Online Live is the new step by ABS-CBN to continue its entertainment and public service. It’s a good thing that they utilized the help of technology in bringing the TV experience in a different platform to Filipinos nationwide,” tweet ng fan na si @bingsquared.
“Maraming salamat sa pamunuan nang ABS-CBN. ‘Di sila tumigil sa kakaisip ng mga paraan para patuloy na mapanood ang mga Kapamilya shows. Forever Kapamilya,” komento naman ni Elizabeth Alquero.
Punto naman ng Facebook user na si Marlon Tambis, “This is a good move which may soon kill the frequency-based TVs. ABS has enough following and so can influence the shift to digital. Baka di na mauso ang TV dahil sa ABS. Naka-cellphone na halos lahat, lalo na mga millennials.”
Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng palabas, ibinahagi rin na magbabalik sa Kapamilya Online Live ang mga minahal na serye gaya ng “Forevermore,” “Halik,” “Magpahanggang Wakas,” “Pangako Sa’Yo,” “Be Careful With My Heart,” “The General’s Daughter,” “Los Bastardos,” “Precious Hearts Romances,” “100 Days To Heaven,” “Los Bastardos,” at game shows na “Pilipinas, GKNB?” at “Celebrity Playtime.”
Bukod sa libre at walang subscription fee na kailangang bayaran, mae-enjoy din ang panonood sa Kapamilya Online Live dahil maaring balikan ang mga programang ipinalabas sa buong araw sa loob ng 24 oras matapos itong ipalabas nang live.
Ekslusibo namang mapapanood ang parehong livestreaming ng Kapamilya Onlive Live sa Facebook at YouTube sa Pilipinas.
Sa YouTube, tuluy-tuloy ang panonood simula 7:40 AM hanggang 10 PM. Sa Facebook, may regular na timeslot ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.
Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.
***
Althea Ablan nakipagkulitan sa fans online
Tuwang-tuwa ang fans ng ‘Prima Donnas’ star na si Althea Ablan dahil muli nilang nakakwentuhan at kulitan ang idolo sa isang virtual fan meet na inorganisa ng GMA Artist Center noong Martes, August 4.
Kahit na ongoing pa rin ang community quarantine, hindi nararamdaman ng mga fan ni Althea na nalalayo sila sa teen actress. Sa event na ito, nag-alay pa siya ng iba’t ibang performances para sa mga sumali.
Online rin muna napapanood si Althea at ang iba pang cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series sa ‘Prima Donnas: Watch From Home.’
Bisitahin lang ang gmanetwork.com/GETS or GMA Entertainment Shows Online para sa exclusive news and content ng inyong paboritong Kapuso shows.
***
Reporter’s Notebook Special na “Sa Ngalan ng Edukasyon” ngayong Huwebes
Ngayong Huwebes (Agosto 6), ihahatid ng Reporter’s Notebook ang mga napapanahong kuwento ng pagsisikap ng mga guro at mag-aaral sa ngalan ng edukasyon.
Isang araw bago ang huling araw ng enrollment, tinungo ni Teacher Michelle at ng dalawa pang guro ng Pugo Primary School sa San Francisco, Quezon ang pinakamalayong sitio sa kanilang lugar. Mahalaga raw na marating nila ang mga estudyante para matiyak na makapapasok ang mga bata sa darating na pagbubukas ng klase.
Dahil wala namang internet connection sa lugar, modular distance learning ang gagamitin nilang paraan ng pagtuturo. At dahil maputik ang daan, kinailangan nilang magyapak papunta sa pinakamalayong sitio.
Ilog at maputik na daan din ang kailangang bagtasin nina Teacher Omi Balawag para marating ang kanilang mga estudyante. Modular distance learning din ang gagamitin sa lugar. Pero ang pangamba ng mga guro, marami sa mga magulang ang hindi naman marunong magsulat at magbasa kaya baka mahirapan din sa pag-aaral ang mga bata sa bahay.
Gayunman, handa raw silang tumulong sa mga magulang matuloy lang ang pag-aaral ng mga estudyante nila.
Mag-isa nang itinataguyod ng 64 taong gulang na si Lola Rosita ang kanyang apat na apo matapos makulong ang kanilang ama at magkaroon naman ng ibang pamilya ang kanilang ina.
Pananahi at pagtitinda ng basahan, face mask, at ukay-ukay ang pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero problema ngayon ni Lola Rosita kung paano matutustusan ang pag-aaral ng apat na apo.
Online distance learning ang pinili niyang paraan ng pagtuturo para sa mga apo dahil ayaw niyang mapag-iwanan sila sa darating na pasukan. Iisa lang ang kanilang smartphone at problema pa ang pambili ng load para sa internet connection.
Araw-araw naman kung maglako ng kanyang mga panindang meryenda ang incoming senior high school student na si Vincent Manlapaz. Nag-iipon kasi siya para makabili ng laptop na magagamit niya at ng kaniyang mga kapatid sa darating na pasukan.
Honor student mula elementary hanggang high school si Vincent kaya lahat gagawin daw niya makatapos lang ng pag-aaral.
Abangan ang kanilang kuwento ng sakripisyo sa “Sa Ngalan Ng Edukasyon” ngayong Huwebes, August 6, sa mas pinaagang Reporter’s Notebook, 9:15 pm pagkatapos ng New Normal: Homework sa GMA News TV. (Blessie K. Cirera)