Advertisers
WHO would believe the on-and-off issue na may problema ang relasyon nina 2-time PBA MVP JAMES YAP at Italian partner MICHELACAZZOLA kung titingnan ang recent Instagram posts ng RAIN OR SHINEELASTO PAINTERS starcager na “Beach day #family #beach #summer”?
Ipinakikita sa posts ang masayang bonding sa isang beach sa Italy (home country ni MICHELA) at naroon sila ngayong pandemic period. Allowed na roon ang beach at madalas ang bonding nila with kids, 4 year-old MICHAEL JAMES and 2 year-old Francesca. Four different languages na raw ang alam ni MJ. Para kay JAMES, gusto niyang matuto at magsalita sila ng Cebuano at Ilonggo tulad niya bukod sa English at Italian.
Well, ilang beses nang pinupunto ng ilan pati sa interviews sa estranged wife niyang si KRIS AQUINO na hindi okay ang standing ng relasyon nina JAMES at MICHELLE. Hindi surprising kung ayaw silang tantanan. Bukod sa tinaguriang Queen of all Media, from ex-Presidential daughter ay naging ex-Presidential sister pa si KRIS.
Basketball icon naman na may titulong 2-time Most Valuable Player at Championship member ng PUREFOODS na former team niya, aside pa sa championships sa WELCOAT (former name ng ROS) sa dating ligang amateur PHILIPPINE BASETBALL LEAGUE. Hindi mabubura ng parting ways nila ang fact na mayroon silang BABY JAMES aka BIMBY na 13 year-old ngayon.
LIFE GOES ON FOR JAMES YAP
MULA nang mag-part ways thru annulment sina JAMES at KRIS, kahit may visitation rights, hindi raw nasusunod so ayaw na ni JAMES na ipilit. “Ayaw ko nang isisiksik pa ang sarili ko, mahirap, kung ipipilit mo…masasaktan ka lang,” ang parte ng linya ng basketicon. Hihintayin na lang daw niya na kusang manggaling kay BABY JAMES aka BIMB pag aged 17 na at may sarili nang pag-iisip at desisyon. Wait, may una pa nga palang anak si JAMES, a daughter sa isang non-celebrity who is a nurse by profession, from young relationship in as early as his stint as UNIVERSITY OF THE EAST (UE) RED WARRIOR.
Well, sabi nga, life must go on, this is typically the face of Celebrity world which happens to non-celebs too. Seems like, happy and contented si JAMES sa pamilya niya sa Italy as posted in social media.
By the way, nasa Italy pa si JAMES dahil inactive pa ang PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) mula sa compulsory hiatus last March dahil sa entrada ng COVID-19 pandemic. Regular niyang itinutuloy ang practice habang nasa Italy.
PBA TEAMS, TULOY-TRAINING NA?
Ngayong araw ng Huwebes, August 6, up to August 7, schedule ng PBA teams sa SWAB test. Sakaling negative lahat ang resulta, umpisa na ng training subject to protocols and guidelines. Abangan na lang po natin kung matutuloy ang naudlot na PBA games karugtong ng opening last March for Season 45. May the league strike back this coming October, as expected, kasunod ng umaarangkada nang NBA games sa Amerika. HAPPY REA-DING!