Advertisers

Advertisers

Ex-NPA itinumba sa harap ng pamilya

0 307

Advertisers

NASINDAK ang mga miyembro ng isang pamilya sa Sorsogon City nang patayin sa kanilang harapan ang kanilang padre de pamilya, Martes ng gabi, August 5.
Nabatid na dating miyembro ng New People’s Army ang 49-anyos na biktima na si Alejandro Claveria ng Barangay San Jose Maricrum, Bacon District, sa lungsod.
Sa ulat, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang buong pamilya bago maghatinggabi nang may sumigaw sa labas ng kanilang bahay.
Hindi pa man nakakalabas sa pintuan ang biktima ay pinagbabaril na ito bago mabilis na tumakas ang dalawang hindi nakilalang salarin.
Agad namatay si Claveria dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Inaalam pa kung may kinalaman sa kanyang dating pagiging rebelde ang pagpatay sa kanya o may iba pang motibo.(PTF team)