Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 9 namatay; 222 gumaling; 3,462 bagong kaso

0 311

Advertisers

Tumaas pa ang bilang ng tinatamaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19 sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules karagdagang 3,462 ang naitalang kumpirmadong kaso kung saan pumalo na sa kabuuang 115,980 ang kaso sa bansa.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 2,434 new cases.
Sinundan ng Laguna na may 105 new cases, Rizal na may 101 new cases, Cavite na may 73 new cases, at Cebu na may 62 new cases.
Ang mga lab result ay mga isinumite ng 84 mula sa 94 na licensed laboratories sa bansa.
Nakapagtala naman ng 222 recoveries sanhi upang umabot na sa 66,270 ang gumagaling sa COVID-19.
Habang 9 ang nadagdag sa mga nasawi kaya’t nasa 2,123 na ang bilang ng mga pumanaw sa sakit.
Sa bilang ng naitalang karagdagang kaso, 2,919 o 84% ay nangyari mula July 23 hanggang August 5.
Ang top regions na may mataas na kaso sa nagdaang dalawang linggo ay ang NCR ( 2,083 o 71%), Region 4A (299 o 10%) at Region 3 (96 or 3%).
Mula naman sa NCR (4 o 44%) ang mga nasawi, Region 7 (4 o 44%) at Region 11 (1 or 11%).
Samantala, nasa 75 naman ang duplicates na inalis sa total case counts.
Na-update rin ng DOH ang dalawang kaso kung saan ang isa ay naireport na pumanaw ngunit napag-alamang nakarekober habang ang isa pa ay naireport na nakarekober ngunit napag-alamang nasawi matapos ang isinagawang validation.
Ang nasabing mga kasong na-update ay napabilang na sa deaths and recoveries counts. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)