Advertisers

Advertisers

Beauty na-bash, laging naka-bathing suit ang mga post sa socmed; Jennylyn pinuna ni Manay Lolit ang pagsawsaw sa mga isyu

0 257

Advertisers

NA-bash si Beauty Gonzalez kamakailan ng isang netizen na napuna ang lagi raw pagsusuot ng swimsuit ng aktres sa kanyang mga post sa social media.

 

Nag-post ito ng komento sa Instagram ni Beauty habang nakasakay ito sa isang speed boat.



 

Dahil kilalang palaban at prangka ang Kapamilya actress, hindi nito pinalampas ang sinabi ng nabanggit na netizen.

 

Sa caption ni Beauty inilagay nito, “Magda-drive ako buong taon. Magda-drive ako habangbuhay. Magda-drive ako hanggang buwan. Please, please lang turuan nyo akong mag-drive. Gusto kong matutong mag-drive (Kahit na wala akong Speed Boat).”

 



Komento ng basher, “Why is this lady always wearing bathing suit on every post?” Dito na sumagot si Beauty, “Kasi po mahirap mag-swimming pag naka jacket. Sorry, not sorry.”

 

Idinepensa rin ang aktres ng kanyang mga followers sa paglalantad ng seksing katawan sa kanyang IG updates.

 

“She has the guts to wear bathing suit!!! And beautiful as always.”

 

“Omg these people halatang inggit. d nila maapreciate ang tunay na halaga in each and every posts ni @beauty_gonzalez kc napuna nila insecurities nila. scroll2 nlng kasi..d na maghapit kung nasuys.”

 

“Because she is on the beach.” “Tama! Mahirap din kung naka PPE suit kung mag swimming di ba?”

 

***

 

NAKATIKIM ng pamumuna ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado mula sa beteranang movie reporter na si Manay Lolit Solis.

 

Napansin daw kasi ni Manay Lolit ang pagiging aktibo sa social media ni Jennylyn at ang pagbibigay nito ng mga komento sa ilang kontrobersyal na isyu ng bansa gaya ng kay Sen. Cynthia Villar.

 

Tsika ng veteran movie scribe, “Sana naman, lalo iyon mga artista na nakikisali sa issue at nagpipilit maging relevant, intindihin mabuti ang context ng mga binitiwan salita bago magbigay ng komentaryo.

 

“Tutoo, dapat naririnig ang boses natin ngayon, pero dapat din maingat tayo dahil apektado nito ang pananaw ng tao,” anya pa.

 

Binanggit ni Manay Lolit si Jennylyn sa kanyang post.

 

Sana raw ay maging maingat ang aktres sa pagpili ng mga isyu na sasalihan.

 

“Paging Jennylyn Mercado, more than anyone ikaw sana ang una dapat naka intindi. Huwag masyado mahilig sa issue, piliin mo naman,” sey nito.

 

***

 

Negosyo ngayong balik-MECQ, online sale tips sa ‘Pera Paraan’

 

Ngayong Miyerkules (August 5) sa “Pera Paraan ng GMA News TV, tatalakayin ni Susan Enriquez ang kalagayan ng negosyo ngayong balik-MECQ at kung paano maging wais pagdating sa online sale ngayong ‘new normal’.

 

Muli na namang nasa MECQ ang buong Kamaynilaan at mga karatig lugar, kaya paano na naman ang mga negosyong bago pa lang sana bumabangon?

 

Kailan lang din nang payagang mag-operate ang mga gym ng 50% capacity basta’t kailangan  nilang sumunod sa guidelines at health protocols na itinakda ng IATF. Pero dahil ibinalik na sa MECQ ang Metro Manila at ilang karatig na lugar, paano na nga kaya ang mangyayari kay Micoy na isang gym owner na halos apat na buwan nang umaasa sa muling pagbubukas ng kanyang Negosyo?

 

Dahil nga bawal pa ring mag-shopping sa mall, mall na ang lalapit sa inyo, online! Marami nga ang nahuhumaling sa mga naka-sale online. Pero bago raw i-add to cart ang natipuhan, i-check muna kung talaga bang makakamura o…mapapamura ka!  Paano nga ba magiging wais pagdating sa mga online sale? Anu-ano ang dapat tandaan para ang pamimili ay talagang maging sulit?

 

Samahan si Susan sa “Pera Paraan” ngayong Miyerkules, 8:30 pm sa New Normal: The Survival Guide, pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GMA News TV. – (Blessie K. Cirera)