Advertisers
SA isang Instagram post, naging open si Kylie Padilla tungkol sa mga nararanasang struggles bilang isang ina.
“Being a young mom is not an easy thing… but it’s so strange,” panimula niya.
“Motherhood has always been such a pivotal thing for me. I am naturally inclined to give more of myself to my family BUT also at the same time I find a new kind of drive to pursue all of my other dreams. I would have never tried to pursue them if I still had my old mentality, before I had kids.”
Pagpapatuloy ng ‘Encantadia’ actress, madalas niyang i-remind ang sarili na hindi selfish ang pag-aalaga rin ng sarili at hindi dapat ito ika-guilty ng mga nanay na katulad niya, “It is difficult to juggle and sometimes mom guilt gets the best of me but I respect the fact that I can’t give my family the best version of me if I can’t give myself the chance to grow in all my other talents and grow as a person. I’ll be forever grateful we shared our growth together.”
***
INSPIRASYON para sa nakararami si Prima Donnas star Aiko Melendez na kapansin-pansin ang kaseksihan kahit pa man stuck at home sa gitna ng quarantine.
Sa edad na 44, ginulat ng seasoned actress ang netizens sa kanyang slimmer figure nang mag-post ito sa kanyang Instagram na naka-bathing suit.
Ibinahagi na noon ni Aiko na matinding disiplina raw sa pagkain ng tama ang naging susi sa matagumpay niyang weight loss journey.
“Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV via Prima Donnas, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra,” dagdag pa ni Aiko.
Kasama sa mga napahanga sa kanyang post ang kanyang Prima Donnas co-stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Maraming netizens din ang nagkomento na na-inspire silang mas maging healthy at fit ngayong quarantine dahil sa Kapuso actress.
***
Wish Ko Lang at Imbestigador, may fresh episodes ulit ngayong Sabado
Bagong episodes muli ang mapapanuod ngayong Sabado (August) sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.
Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis Hontiveros, Kim Rodriguez, at Elijah Alejo. Gagampanan ni Katrina ang kuwento ng isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.
Reunion kung tutuusin ang Wish episode na ito para kina Katrina at Elijah na matagal na ring di nakakapag-taping para sa kanilang afternoon drama na Prima Donnas.
Si Elijah, excited na muling makasama ang kanyang “Ate Katrina.”
“Natuwa po kasi after ng ilang buwan, nagkawork po ulit kami ni Ate Kat and nanay ko po siya dito so hindi ko po siya tatarayan unlike po sa Prima Donnas,” sabi ng young Kapuso star.
Ang Wish Ko Lang! naman ang unang proyekto ni Luis as a Kapuso. Say ni Luis: “I am extremely humbled to be part of such a significant show and I am grateful that Wish Ko Lang was the first show to allow me to showcase my craft.”
Samantala, tututukan naman ni Mike Enriquez ang mga krimeng naganap sa gitna ng pinatutupad na community quarantine sa “Quarantine Crimes” series ng Imbestigador. Ngayong Sabado (August 8), ang kaso ni Fabel Pineda ang tampok sa programa. Si Fabel ay isang 15 gulang na babaeng pinatay sa Cabugao, Ilocos Sur noong July 2.
Tutok na sa back-to-back Serbisyong Totoo ngayong Sabado at manuod ng Wish Ko Lang! at Imbestigador pagkatapos ng Tadhana sa GMA 7. (Rommel Gonzales)