Advertisers

Advertisers

73 Chinese at 3 Pinoy huli sa online gambling

0 264

Advertisers

ARESTADO ang 73 Chinese nationals at 3 Pinoy nang salakayin ng mga otoridad ang isang villa at resort sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan dahil sa iligal na operasyon ng online gambling.
Sinabi ni Col. Ariel Quilang, direktor ng PNP Cagayan, ang operasyon ay ginawa ng kanyang mga pulis Martes ng gabi.
Ayon kay Quilang, ang subject ng search warrant ay isang Frank Yu, may-ari ng OFA Cagayan Estate Developer Corporation at operator umano ng nasabing online illegal gambling.
Nakuha sa lugar ang mahigit 100 desktops at laptops computers na ginagamit sa online gambling.
Sinabi pa ni Quilang na Oktubre 2019 pa nasa Sta. Ana ang mga nasabing dayuhan.
Kasabay nito, sinabi ni Quilang na makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration para malaman kung legal na pumasok ang mga ito bansa.
Paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law at Cyber Crime Prevention Act. ang kakaharapin ng mga naaresto.(PTF team)