Advertisers
DEAD on the spot ang tatlong miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya Seirra Madre sa Sampung Minutong palitan ng Putok sa pagitan ng 84th at 91st Infantry Battalion sa Brgy, San Alejandro sa bayan ng Quezon.
Sa report ni 84th IB Lt.Col. Honorato Pascual jr. magsisilbi sana sila ng Warrant of Arrest sa isang Nicomendez Ortiz, alyas Bunso/Peter/Dagohoy 6:00 ng hapon nitong Agosto 4 na nauwi sa bakbakan.
Nabatid na leader si Ortiz ng NPA’s Special Partisan Unit (SPARU) at Finance Officer ng Komiteng Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre na nahaharap sa kasong Murder na may cc.no 17-22-10P at Rebellion na may cc. no. 5090.
Kasama rin sa napaslang sina Bernardino Liberato, ng Brgy. Sto Tomas Feria, Quezon; at Merlita Ogalinola, ng Brgy. San Vicente Cabiao.
Samantala, tatlo pang miyembro ng NPA ang nasawi matapos makasagupa ng mga ito ng pinagsanib na miyembro ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB4A) 202nd Unifier Brigade Philippine Army (PA) at Kalayaan PNP sa masukal na bahagi ng Sitio Balatkahoy, Bgy. San Antonio Kalayaan, kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ni RMFB4A Chief PCol. Lambert Suerte kay Calabarzon PNP Director PBGen. Vicente Danao Jr. isang alias Ka Termo, General Secretary of Cezar Batrallo Command, isang Ka Omar/Efren at alias na Ka Dany/Mar/Efren ang nasawi samantalang wala naman napaulat na namatay o nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Sa ulat, ala 1:00 ng madaling araw ng hindi inaasahang makasagupa ni Suerte at kanyang mga tauhan ang nasa mahigit na 40 bilang ng armadong Communist Terrorist Group (CTG’s) habang aktong nagsasagawa ang mga ito ng scouting kaugnay ng “Oplan Dirty Dozen” operation ng mga ito sa lugar.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng pulisya at militar sa bahagi ng Camp Nakar at Mauban Quezon kabilang sa bayan ng Luisiana at Cavinti, Laguna na hinihinalang pagtataguan ng tumakas na maraming bilang ng mga rebelde. (Thony D. Arcenal/Dick Garay)