Advertisers

Advertisers

6 empleyado sangkot sa investment scam sa sisiw, kinasuhan

0 403

Advertisers

SINAMPAHAN ng PNP–CIDG ng kasong ‘syndicated estafa’ ang anim na opisyal at empleyado ng isang kumpanya dahil sa diumano’y investment scam.
Isinampa ang kaso laban kina Ethan Eleazar, Carolyn Ajuinde, Norbert Escalante, Masayuki Kimura, Vaughn Ponteverde at Dante Evasco Jr. ng Super Livestock Inc. sa Universal Tower, Quezon City.
Sa salaysay ng tatlong nagreklamo na sina Reynaldo Soriano, Eric Capulong at John Balaguer, nakita nila ang advertisement sa Facebook na gumamit pa ng mga kilalang personalidad.
Bunga nito, nahikayat sila na mamuhunan ng kabuuang P370,000 sa ‘Double Your Money Investment Scheme, kungsaan ang pera nila ipambibili ng mga sisiw.
Nangako din umano ang mga suspek na 88 porsyento ng ipinuhunan ay maibabalik sa loob ng 60 araw.
Ngunit sa kabila ng pakikipag-usap ng mga nagreklamo, hindi naibalik sa kanila ang kanilang mga puhunan kayat nagreklamo na sila.
Paalala naman ng PNP-CIDG: Huwag agad magtiwala sa mga ‘investment scheme’ sa social media.(PTF team)