Advertisers

Advertisers

Tumakas na COVID-19 patient nakitang nagtatago sa abandonadong truck

0 288

Advertisers

NAIBALIK na sa isolation facility ang isang COVID-19 positive patient matapos tumakas gamit ang pintuan sa likod ng pasilidad at tumalon mula sa pader sa Davao City.
Inihayag ni Police Major Jack Tilcag, hepe ng San Pedro Police Station, posibleng maharap sa kaso ang 31-anyos na pasyente at residente ng Purok 2, Brgy. 6-A, Davao City matapos tumakas mula sa RMC GYM Isolation Facility sa Mt. Apo Street, Brgy. 6-A.
Sa report, nagsagawa ng roll call sa mga pasyente ang isolation facility kaya nalaman na tumakas ito.
Sa manhunt operation ng mga otoridad ay nakita ang pasyente 10:30 ng umaga nitong Lunes habang nagtatago sa isang abandonadong truck sa bakanteng lote ng isang sementeryo, ‘di kalayuan mula sa isolation facility.
Kaagad na ni-rescue ng Rapid Action Team ng Philippine Red Cross ang pasyente at binalik sa pasilidad.
Siniguro naman ni Major Tilcag na hindi na-expose ang pasyente mula nang tumakas hanggang muling nakita batay na rin sa ginawang contact tracing.(PTF team)