Advertisers
PATAY ang isang parking attendant nang mabangga ng SUV na minamaneho ng isang duktor habang tumatawid sa kahabaan ng Taft Avenue, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Castro, 50, ng 694 TM Kalaw St., Ermita, Maynila.
Hawak na ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang driver ng 2016 Toyota Fortuner na kulay bronze at may plakang PN NCE 7061 na si Dr. Apolinario Tablan Jr., 67, Eurologist, ng B7 L7 Domenico St., Portofino Heights, Las Piñas City .
Ayon sa testimonya at ibinahagi na dashcam ni Dr. Cortez, binabaybay nito ang kahabaan ng Taft Avenue northbound kanto ng Kalaw St., nang pagtawid sa intersection ng Kalaw ay biglang tawid naman ang biktima patungo sa southbound ng Kalaw St. habang naka-green light (Go) pa ang traffic light, dahilan para mabangga ang biktima.
Nanatili si Dr. Cortez sa MPD-TEU para sa imbestigasyon at tamang disposisyon sa kaso.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)