PAGBILI AT PAGBEBENTA NG ALAK SA QC BAWAL NA.ULI NGAYONG MECQ! at ang SA TAYTAY WALANG PUWANG ANG DRUG SYNDICATE!
Advertisers
Bahagi ng pagkontrola sa paglala ng COVID-19 lalo na ngayong isinailalim uli sa MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (MECQ) ay ipinaiiral ngayon sa buong QUEZON CITY ang muling PAGBABAWAL SA PAGBEBENTA AT PAGBILI ng mga inuming nakalalasing o anumang uri ng ALAK.
Base sa rekomendasyon ng CITY EPIDEMIOLOGICAL SURVEILLANCE UNIT (CESU) ay agad na nilagdaan kasunod ang pagpapalabas ni MAYOR JOY.BELMONTE ng MEMORANDUM para sa pagpapatigil sa pagbebenta ng mga alak, kung saan ay ipinunto ng naturang alkalde na makatutulong aniya ito para mapigil ang paglaganap ng virus sa ating mga komunidad na karaniwang nangyayari dahil sa pagtitipun-tipon ng mga tao.
Ipinunto rin ni CESU CHIEF ROLLY CRUZ na may mga pagkakataong ang inuman sa mga pampublikong lugar ang nagiging dahilan sa pagkalat ng virus sa ilang komunidad kabilang na ang mga nasa lugar na nasa ilalim ng SPECIAL CONCERN LOCKDOWN.
Gayunman ay nilinaw ni MAYOR JOY na maaari naman ang inuman o pag-inom ng alak.., yun nga lang ay kailangang sa loob ng mga pamamahay ang pagtatagayan.., yan e kung may stock ng alak sa bahay dahil poproblemahin kung saan makabibili ng alak dahil ang masusumpungang lalabag na mga tindahan ay mahaharap sa closure, suspension o revocation ng permit o license.
“In the case of unlawful consumption, they will face possible arrest and criminal charges under applicable laws or ordinances,” pahayag ni.MAYOR JOY.
Ang pagpapairal ng nasabing MEMORANDUM ay ang CITY’s DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY BUSINESS PERMITS AND LICENSING DEPARTMENT (BPLO), LIQUOR LICENSE AND REGULATORY BOARD (LLRB), QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) at ng mga BARANGAY OFFICIAL ang inatasan para sa pagpapaimplementa ng nasabing kautusan.
Dapat, sa ganiyang mga sitwasyon ay higit na pagkonsentrahan ang pagmomonitor ng mga CCTV CAMERAS na nakakalat sa kabuuan ng barangay… yan e kung functional ang.mga CCTV at hindi display lamang. Sa pamamagitan ng mga CCTV ay mamomonitor ang mga tindahan kung sino-sino ang mga lumalabag sa pagtitinda ng mga alak.
SA TAYTAY WALANG PUWANG
ANG DRUG SYNDICATE!
Sa pagkakaaresto at pagkakakumpiska mula sa isang high value local drug group ng drogang nagkakahalaga sa mahigit P10 milyon halaga kamakailan ay nanggalaiteng naihayag ni TAYTAY MAYOR JORIC GACULA na walang puwang ang mga drug syndicate sa kanilang bayan.
Aniya, ang mga DRUG PUSHER ay dapat lang magsilayas sa kanilang bayan dahil mahigpit ang kanilang kaisahan lalo na sa mga law enforcer na hindi uubra ang “areglo” at kung manlalaban naman ay siguradong may ‘kalalagyan’ ang mga ito.
Ang ARYA ay hanga sa ganitong adhikain ng mga opisyal tulad ni MAYOR GACULA at sa mahigpit na kampanya ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE laban sa ILLEGAL DRUG TRADE.. yun nga lang may mga opisyal ang hindi kaisa sa nasabing kampanya.., kaya, matatapos na lamang ang termino ng kasalukuyang presidente ay hindi pa rin nalulusaw ang ang DRUG SYNDICATE sa ating bansa.
Kung kaisa ang lahat ng mga GOVERNMENT OFFICIAL at LAW ENFORCERS sa pagsugpo ng droga ay dapat sa unang taon pa lang ng termino ni PRES. DUTERTE ay wala na dapat pang mga pusher at adik ngayon sa ating bansa.., pero namamayagpag pa rin ang illegal drugs at yan ay indikasyon na mayroon pa ring mga NARCO GOVERNMENT OFFICIALS… mga namamayagpag sa pangangalakal ng illegal drugs katuwang ang mga kakutsaba at pinoprotektahang mga DRUG SYNDICATE!
Hindi pa rin sinsero ang lahat ng mga opisyal sa gobyerno at namamalagi pa rin sa mga tinatanggap nilang ILLEGAL DRUG MONEY bilang bayad sa kanilang mga pagiging DRUG SYNDICATE PROTECTOR…., na kung tutuusin ay ang mga ito ang dapat na PABULAGTAIN SA MGA KALSADA!
Kung SINCERE ang mga LAW ENFORCER at GOVERNMENT OFFICIALS… saglit lang sa loob ng HALF MONTH sigurado limas ang DRUG SYNDICATE.., yun nga lang ay nakapanlulumo mga ka-ARYA dahil may DRUG PROTECTORS pa rin sa sirkulo ng kasalukuyang administrasyon na iyan ang dapat mapakiramdaman ni PRES. DUTERTE para ITIMBUWANG sa kalsada nang maalis ang mga SALOT at ANAY hindi lamang sa administrasyon kundi mapalaya ang lipunan mula sa kamandag ng ILLEGAL DRUG TRADES!
Dapat walang naipupuslit papasok sa ating bansa na mga ILLEGAL DRUG., pero nakakapasok pa rin sa pamamagitan ng mga airport, seaports at mga backdoor.., na ang.mga enforcer dapat diyan ay ang mga AIRFORCE, NAVY. MARINES, COAST GUARDS, PNP at AFP.., pero may nakalulusot, kasi may ilang kakutsaba riyan na sistemang dapat matigil dahil tinaasan na ang suweldo ng ating mga LAW ENFORCER..,anumang sigasig ng ilang law enforcer sa pagsugpo ng illegal drugs ay lalabas lang na MORO-MORO dahil “NILALARO” ng mga DRUG PROTECTOR ang mga enforcer para maipakita sa sambayanan na may nakukumpiska at naaaresto kuno!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.