Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang luma o dating quarantine pass ay gagamitin uli sa ilalim ng patakarang inilatag ng Manila barangay bureau (MBB).
Iginiit din ni Moreno na bawal ang inuman sa labas, tsismisan, paglalaro, pakalat-kalat at umpukan sa kalye.
Ayon kay MBB Director Romeo Bagay gagamitin muli ang odd-even scheme sa quarantine passes habang ibinabalik naman sa dating oras ang curfew na 8 p.m. hanggang 5 a.m.
Ang mga may passes na nagtatapos sa odd numbers (1, 3, 5, 7, 9) ay puwedeng lumabas mula 5 a.m – 9 p.m. tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at 5 a.m. – 1 p.m. pag Linggo.
Ang may hawak naman ng passes na nagtatapos sa even numbers (2, 4, 6, 8, 0), ay puwedeng lumabas ng 5 a.m. – 9 p.m. tuwing Martes, Huwebes at Sabado at mula 2 p.m. – 9 p.m. tuwing Linggo.
Ayon kay Bagay, isa bawat pamilya lang ang bibigyan ng pass at ito ay dapat na edad 21 hanggang 59 anyos. Maliban na lamang kung solong nakatira sa bahay o kasamang inawtorisa ng Inter-Agency Task Force.
Limitado lamang sa pagbili ng pagkain, gamot ang paglabas. Mayroon ding barangay checkpoints na ilalagay para limitahan ang pagpasok sa barangay maliban na lamang kung pinapayagan ng IATF.
“Those working in private companies may present their company IDs while stallholders or vendors in public markets may present a certification from the market master while those tending ‘talipapas’ may obtain certification from the barangay chairman concerned,” dagdag ni Bagay. (Andi Garcia)