Advertisers
WALA munang aarestuhin na quarantine violators sa mga unang araw ng ipinapatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Sa isang press briefing, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas na may instruction si Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa na pairalin ang “maximum tolerance” sa una hanggang tatlong araw ng MECQ upang makapag-adjust ang mga pulis at publiko.
Dahil dito, wala munang aarestuhin na quarantine violators at sa halip ay bibigyan lang ng warning at saka pauuwiin sa bahay.
Sa halip na hulihin ang mga walang suot na face mask ay mamimigay pa ng libreng face mask ang mga pulis.
Dagdag pa ni Sinas, pinaghahanap niya ang mga chief of police ng lugar tulad ng gym upang magsilbing holding area ng mahuhuling quarantine violator at doon sila panonoorin ng awareness videos at saka pauuwiin. (Jonah Mallari)