Advertisers

Advertisers

300K shabu, nakumpiska sa 2 tulak

0 259

Advertisers

ARESTADO sa isinagawang buy bust operation ng PDEA ang dalawang kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa bayan ng Quezon.

Sa report ni PDEA3 Regional Director kay Pdea Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga nadakip na sina John Cevin Fernandez dela Cruz  alyas Barbie, 29; at Laila Almerol Ordonez, 40, kapwa residente ng Licab ng naturang lalawigan.

Sa report, nadakip ang mga susoek sa Canalungan St. Brgy, Dona Lucia sa bayan ng Quezon gabi ng Agosto 3.



Nakumpiska mula sa dalawa ang 50 gramo ng shabu  na nagkakahalaga ng Php 300,000.00, at mark money na P1,000, isang unit ng Motoposh motorcycle, at isang cellular phone.

Sasampahan ang mga naaresto ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)