Advertisers
NAGLAKAS-LOOB po akong ihayag dito sa BIGWAS! ang panawagan ng isang guro sa San Gabriel Elementary School sa Balangiga, Eastern Samar upang matulungan si Teacher Gina Varela Badilla at ang kanyang mga kasamahang guro.
Ang totoo, pinsang-buo ko po si Gina.
Ako po ang nagkusa na tulungan siya dahil alam kong kailangang-kailangan niya at mga kasamahan niyang guro sa San Gabriel Elementary School ang bond paper at iba pang gagamitin ng kanilang mga estudyante at magulang ng mga ito ngayong pasukan sa konteksto na distance learning, sapagkat wala pong hiwalay na badyet na inilaan ang Department of Education (DepEd) sa mga guro para sa bond paper at iba pang kagamitan.
Narito po ang panawagan ni Teacher Gina: “BOND PAPER MO MODULE KO
Good day po! The focus of the Brigada Eskwela this year is the continuation of children’s education despite the pandemic we are experiencing today. Since many students don’t have gadgets and internet connection, they will learn through MODULES that the school will provide. This is a daunting task since one module per student and per subject will be distributed each week. Some modules contain 11-12 pages each. Even with the school’s MOOE and the teacher’s personal funds, these modules will surely drain our financial resources. We are knocking on your benevolent hearts, it doesn’t need a big amount to help. A ream of BOND PAPER is going to reach a lot of students. Rest assured it will be properly documented.
BE ONE OF OUR BRIGADA HEROES!
Thank you=ØÞ Stay Safe & healthy.
God bless po! God Loves a cheerful giver!”
Nanghihingi po si Teacher Gina ng bond paper dahil ‘yan ang paglalagyan ng ituturo niya at ng mga kapwa guro ng mga paksang ituturo nila sa mga mag-aaral sa kontekto ng distance learning method.
Ganyan po ang isa sa mekanismong inilatag at ipinagawa ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga guro sa mga lalawigan, lungsod at bayan kung saan ang mga magulang ay hindi kayang makatugon sa online learning dahil wala silang internet connection.
Narito pa po ang isa pang panawagan ni Teacher Gina:
“ANO ANG NAIS MONG I-DONATE O IHANDOG SA MGA BATA?
Choices:
A. Bond paper for modules
B. Face mask or face shields
C. Thermal scanner
D. 70% Isoprophyl Alcohol
E. Floor mat with Disinfecting Liquid
F. Disinfectant
G. Hand soap
H. Surgical gloves
I. Hand Sanitizer
J. Multivitamins
K. Flash drive
L. Books/reading materials/posters about proper handwashing
M. Cash donation
N. Printer ink para sa printing ng modules ng mga bata.
Praying and hoping na makasagot po kayo kahit isa lang! =ØOÞ=ØOÞ=ØOÞ
THANK YOU IN ADVANCE & God bless po sa ating lahat!”
Alam n’yo po, makasaysayan ang Balangiga dahil ang mga residente rito ay nag-alsa at lumaban sa mga Amerikanong sundalo na nanakop, kumontrol at naghari-harian sa Balangiga noon.
Ngunit, kahit lumaya ang Balangiga mula sa mga Amerikano, hindi tuluyang nakalaya ang mga residente rito mula sa kahirapan.
Napakababa ng antas ng ekonomiya rito.
Kaya, pakiusap pong tulungan natin ang mga guro, mag-aaral at magulang ng mga bata sa San Gabriel Elementary School.
Ang kaunting halaga ay malaking bagay na upang mabili nila ng bond paper at iba pang kailangan nila upang patuloy na matuto ang mga bata.
***
MAAARING TAWAGAN, O MAGTEXT SA AKIN SA #0998-5650-271, TAPOS, AKO NA PO ANG MAKIKIPAG-UGNAYAN KAY GINA PARA SA PROSESO NG PAGPAPADALA NG INYONG TULONG.