Advertisers

Advertisers

Time-out!

0 297

Advertisers

Yan ang kahilingan ng atin mga health frontliners. Hapong-hapo na raw sila sa padami nang padami na nagkakasakit sa atin.

Araw-araw may tinatamaan sa kanila ng COVID-19. Hindi lang daw mga doktor at nars ang nahahawa kundi pati ang ibang mga naglilingkod sa ospital. May mga nasa billing section, laboratory department, sa reception area at pati mga sekyu at dyanitor ng mga pagamutan.

May hangganan nga naman ang pagseserbisyo ng ating katawan. Bumibigay din. Isa pa may mga pamilya rin sila na dapat protektahan sa bawat nilang pag-uwi sa kanilang mga tahanan.



Mabuti pa raw sa basketball at ibang sport pwede tumawag ng time-out upang magpahinga sandali at mag-usap ng mga adjustment sa game plan.

Di ba pati mga batang naglalaro may time first muna kapag napagod at may mga nais linawin.

Pero sila raw hindi maaari. May sinumpaan silang tungkulin na sumagip ng buhay. Walang pinipiling oras ang dinadapuan ng China veerus at iba pang karamdaman.

Di ba sa paborito nating laro kapag masama laro ng mga bida, pinapalitan ni coach ng mga second-stringer. Kung minsan pa ay platoon substitution lalo’t tambak ng kalaban.

Hindi naman sumusuko ang ating mga medical worker kundi nais nila na mareview mga strategy para mapabagal ang pag-spread ng deadly na virus. Hiling nila ay ECQ ang Mega Manila.



Galit naman si Tatang sa mga kritiko. Bakit daw di nagpadala ng liham sa kanya sa halip na open letter. Bale MGCQ ang naging compromise na tugon ng Palasyo base sa rekomendasyon ng Kalihim ng DOH.

Ngunit kung hindi binigay sa media at sinuportahan ng Archdiocese ng Manila pati ng mga netizen ay walang mangyayari.

Sana gawin na ng bawat isa ang dapat upang COVID-19 mapigilan na ang pagkalat.

***

Hinahamon natin si Manny Pacquiao na makipagdebate hinggil sa death penalty sa isang obispo. O kaya kahit sa isang pari na lang upang maliwanagan siya at mga kapanlig niya. Tiyak hindi na siya papayag sa Senado kasi nandoon si Sen. Franklin Drilon na pinahiya siya sa plenary ng Mataas na Kapulungan.

Kahit magsama pa siya ng maraming tagabulong sa harapang usapan ay oks lang.

Sa isa kasing pampublikong talakayan lumilinaw ang mga isyu. Lumalabas ang katotohanan. Nalalaman ng madla ang mahinang punto at lumilitaw ng malakas ang argumento.

Si Padre Raul Salgado ng Quiapo Church payag sa one-on-one nila ng dating deboto nila para sa Poong Nazareno. Mane game ka ba?