Advertisers
MAAANTALA ang muling pagpapatuloy ng praktis para sa professional sports team ng bansa, matapos ilagay ni President Rodrigo Duterte kahapon ang Metro Manila at katabing probinsya sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
Sinabi ng Games at Amusement Board (GAB) kahapon na ang MECQ ay magsisimula ngayon August 4 hanggang 18.
“With regards to the resumption of the PBA, Chooks-to-Go 3×3 and PFL’s trainings, there will be a slight delay,” wika ni GAB chairman Baham Mitra.
“But rest assured that GAB will take advantage of this temporary halt to prepare our stakeholders in order to ensure the safe return of activities related to professional sports,” dagdag pa nya.
Nakatakda sana ang pagbalik sa training ng professional teams nakaraang Linggo matapos lagdaan ang joint administrative order ng GAB, Philippine Sports Commission at nang Department of Health.
Ang JAO ang nagsilbing gabay para sa professional league kung paano gawin ang praktis at iba pang aktibidad sa oras ng COVID-19.
Sa Metro Manila sa ilalim ng MECQ, tanging individual sports or physical activities gaya ng jogging, running or biking ang pinapayagan.
Pinapayuhan ni Mitra ang liga na iantala ang kanilang COVID-19 testing, lalo na kung sila ay naka-iskedyul na sumailalim sa test ngayong Linggo.
Sinabi ng chairman na ang implementation nang MECQ “will give us all time to comply with the 14-day health monitoring for symptoms and temperature checks.”
“After that, the testings can commence,” anya.
Inaprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay ang Metro Manila at karatig probinsya sa ilalim ng mas mahigpit na quarantine measures, matapos manawagan ang health workers group na ibalik sa ECQ.
“I have heard of different groups from the medical community for a two-week ECQ in Mega Manila. I fully understand why your health workers would like to ask for such a time out,” sambit ni Duterte sa kanyang speech Linggo ng gabi.