Advertisers
MARAMING magagandang alaala para sa Megastar na si Sharon Cuneta ang kinalakihang bahay nila noon sa Dasmarinas Village sa Makati.
Dito kasi nagsimulang mabuo ang kanyang mga pangarap kasama ang kanyang Daddy na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, Mommy Elaine at mga kapatid.
Kaya naman, hindi niya napigilang magpaka-senti sa kanyang Instagram post ng nasabing bahay.
“This is where I grew up. We moved here in 1972-1973? One of the first three houses on the street. No Ayala Center yet. Just the Hotel Inter-Continental and later, QUAD and Fastfood Centre and Karpark! Now all Glorietta. EDSA had only two lanes if I remember right. We could still cross it by walking,” aniya.
Aniya, higit na sa isang dekada nang naibenta ang naturang bahay mula nang sumakabilang buhay ang kanyang ama.
Dahil nalulungkot sa pagpanaw ng ama, ibinenta raw ito ng kanyang Mommy nang magdesisyon itong lumipat sa condo.
” It was a beautiful and good, good home to our family, especially to me! Some 40+ years later, Daddy was gone, Mommy moved to a condo, and the big house was sold,” esplika niya.
Dagdag pa niya, itinuturing daw niya itong paraiso kaya kahit iba na ang hitsura nito ngayon, umaasa siyang darating ang araw ay mabili ang nabanggit na property. (Archie Liao)