Advertisers

Advertisers

Piso net sa Wagas, Tondo puno ng kabataang walang facemask

0 344

Advertisers

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng mga tagasubaybay ng pitak na ito. Gusto ko lang po sana ipagbigay alam sa mga awtoridad, lalo sa IATF, ang walang kunsiderasyon na pagbubukas at pagpalaro ng computer shop (pisonet) dito sa kalye ng Wagas, dito sa Tundo (1203 Wagas street) ng magkapatid na Niño at BJ Cruz. Araw at gabi ay puno ng malaking bilang ng mga kabataan na nagtitipon sa loob at tapat nila na puro walang facemask at walang social distancing. Wala pong magawa sa kanila ang barangay dahil malakas daw sila kay Chairman Romeo Payumo at sa pamunuan ng MPD Station 2 na nakakasakop dito samin. Sana ay maaksyunan po  ito ng pulisya, sapagkat natatakot po kami na kumalat ang COVID-19 dito sa aming lugar. More power po at God bless. Keep safe! – Concerned citizen

 

Nagkalat mga tambay at bata sa Bgy. 341 Zone 34



Magandang araw po. Report ko lang ang mga pasaway na tambay at bata na nagkalat sa brgy. 341 zone 34. Wala pa silang suot na face mask. Hindi na makadaan sa eskinita kasi nagkalat mga tambay at paninda. – Concerned citizen

 

Sugalan sa Mendez, Baesa, Quezon City

Gud am po. Dito sa GAJUDO COMPOUND, SAKOP NG MENDEZ, BAESA, TINDAHAN NG MGA GASUL.  ANG PANGA LAN NG MAY-ARI JUN AT RIZ.NAGPA PASUGAL NG KARA CRUS SA MGA TRICYCLE DRIVER. PATI AYUDA NG GOBYERNO NA BIGAY SINUSUGAL NA PO. MAY INVOLVED PANG DROGA. MAY GATE PO ‘TONG MALIIT AT SARADO PARA HNDI MAKITA. PAKI- ACTION LANG PO. ARAW-ARAW PO ‘TO. MAY PANDEMYA NA NGA PO, NAKUKUHA PANG MAGSUGAL NG MGA WALANGHIYA.  – CONCERNED CITIZEN

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">