Advertisers
AABOT sa P360,000 halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa 4 naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Banjo” at “Elias” na siyang target sa operasyon ng Quezon City Police District. Hindi pa pinangalanan ang 2 pang nahuli.
Sa report, ikinasa ang operasyon 10:30 ng gabi sa Barangay Santa Monica, Novaliches.
Binentahan umano ng mga suspek ng droga ang isang poseur-buyer sa halagang P27,000, ayon sa pulisya.
Nakuha sa mga suspek ang 3 kilo ng marijuana.
Dati umanong nakulong sina Banjo at Elias dahil sa kasong robbery holdup.(PFT team)