Advertisers

Advertisers

‘MAJOR KOTONG’ TIMBOG SA PNP-IMEG

0 522

Advertisers

DINAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang opisyal ng Caloocan City Police at sibilyang asset nito sa kasong pangongotong sa gasoline vendors sa Caloocan City, Lunes ng tanghali, Agosto 3.
Kinilala ang mga inaresto na si PMaj Celso M. Sevilla, PCP Commander ng Caloocan City Police Station 10; at Nestor S. Rivera, asset ni Sevilla.
Pinaghahanap naman ang isang Cpl. Albert N. Cruz na kasabwat ni Sevilla.
Ayon kay BGen Ronald Lee, Direktor ng PNP- IMEG, 12:00 ng tanghali nang isinagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng IMEG-Luzon Field Unit Sub-Station 10-Caloocan City, base sa reklamo ng ilang gasoline vendors na hinihingan sila ng P300 kada linggo ng mga suspek, kapalit ng proteksyon upang hindi maabala ang operasyon ng kanilang negosyo.
Sa isinagawang surveilance at validation, noong Sept 11, 2019 ay sinalakay ng mga elemento ng Police Station 10 at nakakumpiska ng 23 gallons ng gasoline at 2 cases ng 1 liter bottled ng gasoline mula sa ilang stalls sa Purok 3, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.
Samantala, wala sa opisina si Cruz nang isinagawa ang na-sabing operasyon.
Dinala sina Sevilla at Rivera sa PNP IMEG sa Camp Crame at nahaharap sa kasong Administrative at criminal. (Mark Obleada)