Advertisers

Advertisers

KOLEKTOR NG BASURA, BINARIL-PATAY

0 336

Advertisers

PATAY ang isang kolektor ng basura nang pagbabarilin Lunes ng madaling araw sa Port Area, Maynila .Kinilala ang biktima na si Rafael Abuc, 49, garbage collector ng Block 9, Baseco Compound, Port Area.
Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Block 9 Extension.
Nabatid sa mga residente na mahimbing silang natutulog nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.
Nang alamin ang mga putok, nakita na lamang na nakahandusay na ang biktima, kaya kaagad na ini-report ito sa pulisya.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyin ang pulisya. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)