Advertisers

Advertisers

Go sa publiko: Sa inyong kooperasyon, maraming maililigtas na buhay

0 258

Advertisers

MATAPOS ideklara ni Pangulong Duterte na isailalim muli ang Metro Manila at ilang karatig lugar sa modified enhanced community quarantine (MECQ), umapela si Senador Bong Go sa taongbayan na makipagkooperasyon o sumunod sa mga atas ng pamahalaan para sila’y mailigtas at ang buhay ng iba sa harap ng patuloy na paglobo ng mga nahahawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID ‘19).
Hiniling din ni Go sa Inter-Agency Task Force For The Management Of Emerging Ifectious Diseases (IATF) at National Task Force (NTF) na estriktong ipatupad ang mga kinakailangang hakbang para masugpo na ang pagkalat ng virus.
Idiniin din niya na ang mga local government unit ay dapat na paigtingin ang localized lockdown strategy at implementasyon ng “Oplan Kalinga” para matulungan ang health workers sa paghahanap sa COVID-19 cases.
“We should also strictly enforce guidelines for minimum health standards and provide free masks for the poor, “ ani Go, na nagsabing ang pagbili ng locally-made masks ay makalilikha ng trabaho at ang pamimigay ng libreng tamang mask sa mga hindi kayang bumili ay makapagliligtas ng maraming buhay.
“Kahit gustuhin man nating tuluyang magbukas na ang ating ekonomiya, paigtingin pa muna natin lalo ang mga patakaran na kailangan upang maprotektahan ang mga tao. Buhay at kapakanan ng bawat Pilipino ang dapat nating palaging unahin,” ayon sa senador.
Nakiusap si Go sa taongbayan na makiisa at estriktong sundin ang health at safety protocols na palaging isinasaisip na ang pagsunod at makapagliligtas ng buhay ng marami nating kababayan.