Advertisers
IGINIIT ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committe on Health ang kahalagahan ng transition ng gobyerno sa e-governance lalo na ngayon panahon ng pandemya.
Sinabi ni Go na layunin ng Senate bill na isinulong niya noong July 27 na i-prayoridad ang transition para maging mas ligtas para sa publiko.
Inihalimbawa ni Go ang pagkuha ng birth certificate o pag-aaplay ng lisensiya na dapat ay ginagawa na online para maiwasan ang face-to-face transactions para maging mas ligtas sa kalusugan ng tao at maiwasan pa ang red tape.
Ayon kay Go, dapat samantalahin ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at social media platforms para makapag-divert na sa e-governance.
Dagdag pa ni Go na dahil sa mga hamon dulot ng COVID-19, dapat nang pag-isipan kung paano mas mapapadali ang access ng mga Pinoy sa health services tulad ng konsultasyon sa mga doktor online.
Inihayag din ni Go ang kanyang suporta sa consumer groups na nagsusulong ng digitalization ng health services sa pagtugon sa mga minor health issues kesa sa magtungo pa sa mga ospital ang mga pasyente. (Mylene Alfonso)