Advertisers

Advertisers

Dahil balik MECQ: ALTERNATIVE WORK PLAN SA CITY HALL – ISKO

0 328

Advertisers

NAGPALABAS ng direktiba si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng departmento, tanggapan, at kawanihan na nasa ilalim ng lokal na pamahalaan na mag-adopt ng ‘alternative work arrangement’ sa buong panahon ng pagpapairal ng panibagong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito.

Ayon kay Moreno, kahit naka-MECQ dapat pa ring tiyakin ng lokal na pamahalaan na magtutuluy-tuloy ang operasyon at pagkakaloob nila ng mga pangunahing serbisyo at pangangailangan ng kanilang mga constituents.

Binigyang-diin din naman ng alkalde na ang mga city government offices ay dapat na magsagawa ng proactive measures para maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga city officials at mga empleyado ngayong panahon ng krisis.



Sa ilalim ng Executive Order No. 34, ipinag-utos ng alkalde ang skeletal workforce alternative work arrangement ngayong may MECQ, sa mga tanggapan ng Office of the Mayor, Office of the Secretary to the Mayor, Manila Public Information Office, Office of the City Administrator, City Personnel Office, Manila Barangay Bureau, City General Services Office, City Budget Office, Office of the City Accountant, City Treasurer’s Office, Department of Public Services, Op. Div. & Dist. Offs., Dept. of Engineering & Public Works Operations, Department of Assessment, Bureau of Permits, Manila Hawkers Office, Public Recreations Bureau, Operations at Parks Development Office, Operations.

Samantala, maliban sa kanilang office-based personnel ay naka-full operation naman ang Manila Health Department , kabilang ang North at South Cemeteries, lahat ng City Hospitals maliban sa nakasarang Ospital ng Maynila, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Department of Social Welfare, Manila Traffic and Parking Bureau, Veterinary Inspection Board at Market Administration Office.

“All offices not mentioned will implement a work from home alternative work arrangement,” anang kautusan ng alkalde.

Bilang karagdagan, ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), mga buntis, at mga kabataang 21 taong gulang pababa, na opisyal at empleyado ng city government ay sasailalim rin sa work from home alternative work arrangement.

“The Head of Office shall ensure that payroll officer and clerk in charge in the preparation and processing of payroll shall be required to report for a certain time to ensure that salaries of officials and employees are released on time,” ani Moreno.



Nauna rito, muling isinailalim ni Pang. Duterte ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan sa MECQ mula Agosto 4 hanggang 18 kasunod na rin ng apela ng medical community. (ANDI GARCIA)