Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 46 namatay; 275 gumaling; 3,226 bagong kaso

0 284

Advertisers

TUMAAS pa ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na COVID-19 sa Pilipinas kung saan 3,226 ang karagdagang naitala nitong Lunes base sa case bulletin ng Department of Health (DOH).
Sa kabuuan, nasa 106,330 na ang kumpirmadong kaso sa bansa na may 38,405 active cases.
Sa NCR, nasa 1,541 ang naitalang kaso; Cebu, 503; Laguna, 181; Rizal,158 at Cavite na may 129 kaso.
Nakapagtala naman ng 275 recoveries sanhi upang umakyat na sa 65,821 ang mga gumaling sa sakit.
Nasa 2,104 naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng 46 deaths.
Sa bilang ng mga pumanaw, 1 ang nangyari noong March, 1 noong May, 6 noong June at 37 noong July.
Mula naman sa Region 7 o Central Visayas ang 38 nasawi, 3 sa NCR; 2 sa CAR; 1 sa Region3; 1 sa Region 6 at 1 sa Region 4A.
Mayroon namang 81 na duplicates ang inalis sa total case count.
Sa bilang na ito, 10 ang recovered cases ang inalis.
Mayroon ding 2 kaso ang in-update kung saan ang 1 ay iniulat na nasawi ngunit nakarekober habang ang isa naman ay iniulat na naka-recover ngunit na-update bilang nasawi matapos ang ginawang validation ng DOH. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)